Fertilizers Discount Voucher Assistance, Ipinagkaloob sa mga Magsasaka ng Pilar
PILAR, SORSOGON- Nagsimula nang ipamahagi ang Fertilizers Discount Voucher sa 1,586 rehistradong magsasaka sa Munisipyo ng Pilar, na may kabuuang halaga na P5.8 milyon. Ang programang ito ay bahagi ng Department of Agriculture National Rice Program, at ipinatutupad ng Lokal na pamahalaan ng Pilar sa pamumuno ni Mayor Carolyn "Sweet" C. Sy-Reyes katuwang ang Municipal Agriculturist Office at ang mga partner merchants.
Layunin ng programa na tulungan ang mga magsasaka na mapabuti ang kanilang produksyon at palakasin ang sektor ng agrikultura sa munisipyo.
Source: MAO, OM
Photos: MAO