MENSAHE PARA SA PAGLULUNSAD NG CORPORATE SEAL NG BAYAN NG PILAR

Ika-22 ng Mayo 2023
HON. CAROLYN C. SY-REYES
Punong Bayan Pilar, Sorsogon

ANG ARAW NA ITO, IKA- DALAWAMPUT-DALAWA NG MAYO 2023, AY MAHALAGANG HUDYAT NA NAKAMTAN NG ATING BAYAN ANG BAGONG SAGISAG NG PAMAMAHALA… ANG CORPORATE SEAL NG LGU-PILAR!

KATULAD NG PINAGDAANAN NA PAKIKIBAKA NG ATING BAYAN BAGO ITO NAHIRANG NA 1ST CLASS MUNICIPALITY NOONG 2008, DUMAAN TAYO SA MASUSI AT MAHABA-HABANG HAKBANGIN , BAGO NATIN NAKAMTAN ANG PAGSANG-AYON NG NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES(NHCP), SA PAMAMAGITAN NG MAINGAT NA PAGPAPASYA NA IGINAWAD NG TANGGAPAN NI BB. NAEALLA BAINTO AGUINALDO NG OFFICE OF THE DEPUTY EXECUTIVE DIRECTOR FOR GENERAL ADMINISTRATION, OFFICE OF THE PRESIDENT NOONG MARCH 22, 2023. HANGGANG SA NAPASAKAMAY NATIN ANG KOPYA O SIPI NG ATING CORPORATE SEAL NA PERSONAL NA KINUHA PA NATIN SA TANGGAPAN NG NHCP SA ERMITA, MANILA.

NOONG APRIL 4, 2023, NAPAGSANG-AYUNAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PILAR NA MAPAGTIBAY ANG OPISYAL NA PAGGAMIT SA PAMAMAGITAN NG RESOLUTION NO. 0035-A, SERIES OF 2023.”A RESOLUTION ADOPTING THE CORPORATE SEAL OF THE LOCAL GOVERNMENT UNIT OF PILAR, SORSOGON” BILANG PAGTALIMA SA HILING NG INYONG LINGKOD NA MAISAKATUPARAN ANG OPISYAL NA PAGGAMIT NITO.

MAIKLING PAGBABALIK-TANAW ANG IBABAHAGI KO SA INYONG LAHAT KUNG ANO ANG NAPAGDAANAN NG BAYAN NG PILAR AT KUNG PAANO ITO NAPAGTAGUMPAYAN.

Mula sa masining at natatanging angking talino sa pagguhit ni Bb. Marla Lyn Requiestas na syang nahirang na panalo sa patimpalak na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Pilar sa magiging LOGO, naisakatuparan ang aspirasyon natin. Ito ay dumaan sa maingat at matalinong pagsusuri ng pamunuan ng Bayan ng Pilar.

Noong October 3, 2022 nang nabuo ng aking Tanggapan ang isang liham  patungo sa Chairman ng National Historical Commission of the Philippines na si Dr. Rene R. Escalante. Ang liham ay naglalaman ng marubdob na pagpapahayag ng kagustuhan ng PILAR na mapalitan , mabago o maisaayos ang dating CORPORATE SEAL na ginamit mula noong 2012. Makalipas ang mahigit na sampung taon na pananatili nito sa pagkalinga ng Bayan ng Pilar bilang sagisag ng pamamahala at opisyal na selyo ng pagkakakakilanlan, minabuti natin na mapalitan ito at naisaad sa liham ang tatlong kadahilanan;

  1. May pagkakamali sa FOUNDATION YEAR na nakaukit sa dating SEAL, mula sa August 16, 1859 na halos 160 years na ginamit ng Pilar tungo sa AUGUST 6, 1861 na malinaw na pinanindigan ng mas mapagkakatiwalaan at higit na mapanghahawakang basehan sa kasaysayan,
  2. Ang FOUNDATION YEAR sa luma na SEAL ay hindi alinsunod sa mga nakuhang basehan,
  3. Ang dating SEAL ay may kakulangan sa mga makatotohanan at mahahalagang simbolismo na nagbibigay kahulugan sa tunay na kasaysayan , kultura at tradisyon ng Bayan ng Pilar.

Ang mga ito’y naghatid ng isang malinaw at kapanipaniwala na katwiran sa nagging hiling natin, kaya naman bilang tugon ng Chairman ng NHCP, sa loob ng tatlong araw mula sa pagpadala natin ng liham-hiling, natanggap natin ang nagging kasagutan ng KOMISYON. May iilang isinangguni na pagbabago alinsunod sa  nakapalaman sa Republic Act No. 8491 o ang FLAG AND HERALDIC CODE OF THE PHILIPPINES. Ito’y daglian din nating isinakatuparan at tumugon sa kanila bilang pagsang-ayon.

Isang taon ang mabilis na lumipas, sama-sama nating napagtagumpayan ang isang paglalakbay upang opisyal na maggamit ang CORPORATE SEAL NG LGU-PILAR mula sa araw na ito, MAY 22, 2023. Bilang natatanging araw na mailathala sa kasaysayan ng Pilar, maiukit sa mga opisyal na pagmamay-ari ng Bayan at maipakita sa mga tanggapan bilang pagkilala sa kapangyarihan ng paglilingkod sa publiko. Ang SAGISAG o SIMBOLISMO ng SEAL ay isa-isa nating alamin:

Sa mga minamahal na kapwa Opisyal ng Bayan, ang ating VM Luis C. Leosala, ang pamunuan ng PNP, BFP, DILG, MTC, PAO, COMELEC,DAR, DepEd at ilan sa mga panauhin na naririto sa pagtitipon ngayon, mga Department Heads, Heads of Office at mga kawani ng pamahalaang lokal ng Pilar…OPISYAL KONG IPINAPAHAYAG ANG PAGLULUNSAD NG CORPORATE SEAL NG LGU-PILAR sa pamamagitan ng SEREMONYA NG PAGTATAAS NG CORPORATE SEAL OF LGU-PILAR BANNER.

Maraming salamat mga minamahal na Pilareño.

CAROLYN C. SY-REYES