DR. SIA NAGBIGAY PAALALA SA PAG-IWAS SA SAKIT NA DENGUE


PILAR, SORSOGON- Bilang panahon na ng tag-ulan, naitala ng RHU-Pilar ang pagtaas ng kaso ng dengue sa bayan ng Pilar kung kaya’t nagbigay ng paalala si Dr. Erika R. Sia ng RHU na kaisa ng Department of Health (DOH) sa panawagan sa pagpapaigting ng 4S campaign kontra dengue.

Aniya, dapat na suyurin at sirain ang pinamumugaran ng mga lamok, sarili ay protektahan laban sa lamok, sumangguni agad sa pagamutan o sa Rural Health Unit kapag nakaramdam ng sintomas ng dengue, at sumuporta sa “fogging/spraying” kapag may banta na ng outbreak.

Samantala, nagsimula nang ipatupad ang 4S campaign at clean-up drive sa iba’t ibang barangay sa Pilar. Dagdag pa ni Dr. Sia na dapat ugaliin umano ang kalinisan sa sarili at kapaligiran dahil ito ang mabisang paraan para sugpuin ang sakit na dengue. (Pilar PIO)

 

Sources: RHU-Pilar, DOH

Photos: OPIO