500 Benepisyaryo sa Pilar Tumanggap ng Ayuda mula sa AKAP Program


PILAR, SORSOGON- Masayang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ang 500 benepisyaryo sa Pilar, Sorsogon. Ang programang ito ay pinangungunahan ng DSWD, sa tulong ng Ako-Bicol Partylist, na kinakatawan nina Provincial Coordinator Jappz Callos at Municipal Coordinator Hon. Celso Y. Lao Jr., katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Pilar sa pamumuno ni Mayor Carolyn C. Sy-Reyes. Layunin nitong suportahan ang mga mahihirap at mga manggagawang mababa ang kita.

Isa sa mga nakatanggap ng ayuda ay si Rechil Leosala, 36, mula sa Barangay San Jose, Pilar. Ayon kay Rechil, gagamitin nila ang natanggap na tulong para sa pagkain, pamasahe, at edukasyon ng kanyang mga anak. “𝑀𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑜 𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔-𝑎𝑟𝑎𝑤-𝑎𝑟𝑎𝑤 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛𝑔𝑎𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛,” ani ni Rechil.

 
Source: MSWDO
Photos:  OMM, MSWDO