750 Estudyante tumanggap ng Educational Assistance mula sa LGU-Pilar
Masayang tinanggap ng halos 750 estudyante ang kanilang Educational Assistance na ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Carolyn "Sweet" C. Sy-Reyes.
Ayon kay Mayor Sweet, layunin ng programa na matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang mga pangangailangan sa edukasyon.
Isa sa mga estudyanteng benepisyaryo ay si Mark M. Madronero mula sa Barangay Danlog, Pilar. Ayon sa kanya, gagamitin niya ang natanggap na assistance para sa pagbili ng mga school supplies para sa darating na semester at para sa pamasahe papunta sa paaralan.
Source: Office of the Municipal Mayor
Photos: Office of the Municipal Mayor