OPISYAL NA PAHAYAG
160th Founding Anniversary of the Municipality of Pilar, Sorsogon
 
Ginugunita ng Pilar ngayong araw, ika-6 ng Agosto 2021 ang ika -160 na taon ng Pagkakatatag ng Bayan ng Pilar.
 
Isang Misa Pasasalamat ang inialay ng Pamunuang Lokal ng Pilar sa oras na alas 6 ng umaga sa Our Lady of the Pillar Shrine.Susundan ito ng pagdating ng mga panauhin mula sa Lalawigan ng Sorsogon para ipagkaloob ang munting handog pangkabuhayan sa mga TODA( Tricycle Operators and Drivers Association). Ito ay gaganapin sa Tourism Compound, Port Area.
Ipagpapatuloy din ang pagbabakuna na isasagawa sa bagong LGU Complex sa barangay Calongay.
Isang pagpupugay ang aking handog sa lahat ng mga namuno sa Bayan ng Pilar maging sa lahat ng naghandog ng buhay, kabayanihan, kagitingan, kakayahan, talino, husay at tibay ng kalooban. Lahat ng ito ay bahagi ng bawat pahina ng ating kasaysayan sa loob ng 160 na taon. Nagawa at naisakatuparan ang lahat ng pagpupunyagi sa ilalim ng pagpapala ng Maykapal at Pagkalinga ng ating Patron, Our Lady of the Pillar.
 
Bilang Alkalde ng Bayan ng Pilar, isang marubdob na PASASALAMAT ang aking alay sa mga biyaya ng nakaraan, kaunlaran na pinagsumikapan sa kasalukuyan at sa sama-samang pagharap sa bawat hamon at patuloy na paglakbay natin tungo sa hinaharap.
 
MABUHAY ang PILAR!
MABUHAY mga minamahal na PILARENIOS!
 
Carolyn C. Sy-Reyes
Punong Bayan