๐Œ๐š๐ก๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐Ÿ‘๐Ÿ—๐ŸŽ ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐š๐ซ, ๐๐š๐›๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ฎ๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐€๐ˆ๐‚๐’ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ


PILAR, SORSOGON- Humigit 390 na mangingisda at magsasaka mula sa bayan ng Pilar, Sorsogon ang nakatanggap ng tulong mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

 
Ang nasabing programa ay ipinapatupad sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pangunguna ni Congresswoman Dette Escudero, kinatawan ng Unang Distrito, at ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng liderato ni Mayor Carolyn โ€œSweetโ€ C. Sy-Reyes.
Isa sa mga nakatanggap ng tulong ay si Venner L. Esplana, 45 taong gulang, residente ng Barangay Bantayan, Pilar, ama ng pitong (7) anak. Ayon sa kanya, labis siyang nagpapasalamat sa natanggap na tulong pinansyal. โ€œMagagamit ko ito sa pambili ng gamot para sa aking palay. Ang matitira naman ay pambili ng pagkain para sa pamilya ko,โ€ ani Esplana.
 
Source: MSWD
Photos:  OMA, MSWD