MAYOR SWEET INANUNSIYO ANG PAGDATING NG MGA BUSINESS EXECUTIVES MULA SA TAIWAN


PILAR, SORSOGON- Inanunsyo ni Mayor Carolyn “Sweet” C. Sy-Reyes ang pagdating ng mga business executives sa bayan ng Pilar mula sa bansang Taiwan. Ang LGU-Pilar sa pangunguna ni Mayor Sweet ay nakipag-ugnayan sa Ecolohas Energy Technology Co. Ltd., sa pamamagitan ni Mr. Earl Tongol na naging daan upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng solar panels sa Pilar Municipal Police Station. Aniya, ito ay malaking tulong para sa pagpapatakbo ng istasyon upang mas maging ligtas ang komunidad sa anumang oras.

Binigyang diin naman ni Mayor Sweet na ang Pilar MPS umano ang kauna-unahang PNP Green Building sa buong probinsiya ng Sorsogon. Samantala, ang pormal na pagturn-over ng nasabing solar panels with inverter and energy storage ay ginanap nitong araw ng Martes, ika-8 ng Agosto 2023 sa Pilar MPS building, LGU Complex, Calongay, Pilar, Sorsogon. Dinaluhan naman ito PCOL Glicerio Cansilao, PRO5 Chief Regional Staff, SOR PPO Provincial Director PCOL Dionesio Laceda, at iba pang opisyal ng PNP Sorsogon. Sinundan ito ng business meeting kasama ang mga negosyante ng Pilar. (Pilar PIO)

 

Photos: OPIO